Mahigit tatlong milyong kabataan edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Batay sa datos mula sa Department of Health, nasa 12.7 milyong kabataan na ang naturukan ng bakuna sa naturang age group, kung saan kabilang dito ang 1.2 milyong kabataan na mayroong health conditions.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 80% ng nasabing age group o 10 milyong kabataan ngayong taon.
Sa ngayon, tanging ang Pfizer-Biontech at Moderna COVID-19 vaccines ang inaprubahan ng Food and Drug Administration na maiturok sa mga menor de edad. —sa panulat ni Hya Ludivico