Aabot sa mahigit 3-M passport new at renewal applications ang backlog ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dodo Dulay, naging pagsubok talaga sakanilang operasyon ang COVID-19 pandemic.
Aniya, kinakailangan kasi nilang magbawas ng operasyon sa 50% para makasunod sa minimum public health standards.
Dagdag ni Dulay, sinikap pa rin ng ahensya na magbigay ng karagdagang slot para sa passport applications kaya binuksan ang ilang off site centers ng ahensya, ngunit maging sa ganitong paraan ay nahirapan umanong maabot ang demands.