Higit 30 Chinese national ang inaresto ng intelligence operatives ng BI o Bureau of Immigration na illegal na nagta trabaho sa ilang establisyemento sa Parañaque City.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ang naturang mga dayuhan na nagta trabaho ng walang kaukulang visa o permit na paglabag sa Philippine Immigration Act.
Ginawa ang pagsalakay sa Solemare Parksuites at Aseana Power Station na pawang matatagpuan sa Diosdado Macapagal Boulevard
Aniya, dapat itong magsilbi babala sa iba pang mga dayuhan na seryoso ang BI sa kampanya laban sa mga iligal na alien.
Kasalukuyang nanatili sa BI Detention Center ang naturang mga Chinese habang pinoproseso ang deportation ng mga ito.