Umabot na sa higit 30 ang nasawi habang dose-dosena ang sugatan sa pag-atake ng mga suicide bomber sa Istanbul Ataturk airport sa Turkey.
Ayon kay Istanbul Governor Vasip Sahin, tatlong bomba yumanig sa paliparan, isa sa mga ito ang natagpuan sa labas ng terminal habang isa pa sa security gate sa entrance ng airport.
May ulat din na nagkaroon pa ng pagkakataon ang mga pulis na paputukan ang mga suspek bago tuluyang nagsimula ang pagsabog.
Ang Istanbul airport ay ang ikatlong pinakaabalang paliparan sa Europa at ikalabing-isa naman sa buong mundo.
By Rianne Briones
Photo Credit: Reuters