Nasa 32 p-u-v drivers at operators ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa paglabag sa minimum health standards sa unang araw ng implementasyon ng alert level 3 sa Metro Manila.
Isinagawa ang operasyon nitong lunes sa Caloocan, Malabon, Pasay, Maynila, at Parañaque.
Ang nahuling mga driver at operator ay binigyan ng show-cause order.
Giit naman ng ilang tsuper, hindi nila mapigilan ang pagdami ng mga sumasakay lalo na tuwing rush hour.
Paliwanag naman ng LTO na ang ikinasang operasyon ay bilang babala sa mga hindi sumusunod sa mga alituntunin na inilabas ng Department of Transportation.