Higit tatlumpung (30) mga beach resort ang binigyan ng notice to vacate at self-demolish sa El Nido, Palawan.
Bahagi pa rin ito ng paghihigpit ng gobyerno sa mga tourist destination sa buong bansa upang siguruhing ligtas at malinis ang naturang mga lugar.
Ang naturang mga business establishment at ilang residente ay nagkaroon ng paglabag sa ilang enviromental laws tulad ng pagtatayo sa 30-meter easement zone mula sa dalampasigan.
Mula sa tatlumpu’t dalawang (32) mga nabigyan ng notice ay labing dalawa (12) pa lamang ang sumunod at nagkusang gibain ang kanilang mga business establishment sa tabing dagat.
Humihirit naman ang ilang establisyemento ng extension sa ibinigay na deadline para sa kanilang demolisyon.
—-