Laya na ang mahigit 300 estudyante sa Nigeria ilang araw matapos dukutin ng mga miyembro ng Bojko Haram.
Sinabi ni Governor Aminu Bello Masari na ligtas naman ang mga mag-aaral ng isang rural school sa kankara, katsina na nilusob ng mga suspek.
Isinailalim muna sa medical check up ang mga pinalayang bihag na pawang mga lalaki bago ibinalik sa kani kanilang pamilya.
Taong 2014 may kaparehong pag-atake ang Boko Haram kung saan halos 300 estudyanteng babae naman ang kanilang dinukot.