Tinukoy na ng Department Of Health o DOH ang mahigit 300 lugar sa bansa na posibleng gamitin para sa isasagawang face to face classes sa K to 12 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binigay na nila sa DEPED ang listahan na parte sa 329 na lugar para sa pagbubukas ng maraming paaralan sa bansa.
Ngunit nilinaw ni Vergeire nasa deped pa rin ang magiging desisyon sa pagsasagawa ng assessment at pakikipag-usap sa mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, aabot na lamang sa 30 mula sa 59 na pampublikong paaralan sa bansa ang kasama sa pilot face-to-face classes sa 15 ng Nobyembre.
Kabilang sa mga makakalahok sa pilot face-to-face classes ay ang 3 paaralan sa Bicol region, 3 sa Western Visayas, 8 sa Central Luzon, 8 sa Zamboanga Peninsula, 6 sa Northern Mindanao, at 2 sa SOCCSKSARGEN.