Nawalan ng tahanan ang 334 na pamilya sa Barangay Tiguma, Pagadian City.
Ayon kay Haron Damada, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, nasira ang tahanan ng mga ito sa flashflood matapos umapaw ang Tiguma river.
Sinabi ni Damada na sa batay sa kanilang tala, umaabot na sa hindi bababa sa P150,000 ang pinsalang iniwan ng pagragasa ng baha.
By Katrina Valle