Mahigit 300 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naitalang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang umano sa kabuuang 313 na nagpositibo ang mga nagpa-swab test at mga driver ng locally-stranded individual (LSIs).
Dahil ditto, nagkulang ang mga tauhan ng PCG kaya naman kinuha nila ang iba pang personnel sa probinsya para maging kapalit.
Bukod dito, ilang bagong tauhan din ang kanilang sasanayin para sa swab testing.