Nakabalik na ng bansa ang mahigit 300 Pinoy seamen mula sa France.
Ang mga naturang Pinoy seafarers ng Costa Smeralda ay sinalubong ng mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Bayanihan in Action: The DFA welcomes home 341 Filipino seafarers of Costa Smeralda from France this afternoon. The DFA continues to implement the whole-of-nation approach in repatriating Overseas Filipinos amid the COVID-19 pandemic. pic.twitter.com/p3n2GyOjuv
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 22, 2020
Samantala, 223 pang Pinoy mula naman sa Saudi Arabia ang nakauwi na rin ng bansa sa pamamagitan ng special flight ng Saudi Airlines patungong Pilipinas.
Tiniyak ng DFA ang tuluy-tuloy na hakbangin nila para ma-repatriate ang mga overseas Pinoys dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.