Binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mahigit 300 provincial buses.
Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang exodus ng mga pasahero ngayong holiday season.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez, mula sa 372 nag-apply ng special bus permits, 301 lamang ang kanilang binigyan matapos mabusisi ang kani-kanilang requirements.
Nagsimula nang bumuhos sa iba’t ibang bus terminals sa Metro Manila ang mga magsisipag-uwian sa kani-kanilang probinsya para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
By Meann Tanbio