Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3, 389 bagong nahawa sa COVID-19 kahapon.
Ayon sa DOH, ito na ang pinakamataas na bilang na naitala simula noong Pebrero a-12.
Sumampa naman sa 24, 478 ang aktibong kaso kumpara sa 22, 207 noong Huwebes.
Nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang NCR na may 11, 112; CALABARZON na may 6, 592 at Central Luzon na may 3, 007.
Nananatili naman sa 60, 656 ang bilang ng nasawi habang 3, 660, 241 ang gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, pumalo na sa 3, 745, 375 ang COVID-19 cases sa bansa.