Mahigit 3,000 pamilya ang nananatili sa 16 na evacuation centers sa Montalban, Rizal.
Ayon sa pamahalaang bayan ng Montalban, nasa mahigit 15,000 katao ang kinakalinga sa mga evacuation center na ang pinakamarami o mahigit 5,000 indibidwal ay nasa E. Rodriguez Elementary School.
Una nang ipinag-utos ni Montalban Mayor Tom Hernandez ang pag-aalis muna sa mga evacuation center ng mga alagang aso na dinala sa dog impounding area ng bayan para mapanatiling ligtas at malinis ang mga pansamantalang tinutuluyan ng evacuees.