Aabot na sa mahigit 300K na mga guro ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sakop lamang ng nasabing datos ang 15 sa 17 rehiyon dahil hindi pa nakapagsusumite ng report ang Region 4B, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi pa ng kalihim na target ng ahensya na mabakunahan ang maraming mga guro sa katapusan ng Agosto o ilang linggo bago magbukas ang klase sa September 13.
Mababatid na noong nakaraang buwan, nang ihayag ng kagawaran na nakatuon sila sa paghikayat sa mga guro at personnel na magpabakuna upang maging handa sakaling ipatupad ang limitadong face-to-face classes sa low-risk areas. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico