Karagdagang 301,860 doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa kagabi.
Ang naturang mga bakuna ay donasyon ng Estados Unidos sa bansa sa pamamagitan ng World Health Organization at Covax Facility.
Nagpasalamat naman si National Task Force Against COVID-19 Head of Strategic Communications on Current Operations Assistant Secretary Wilben Mayor sa US Government sa mga donasyong bakuna na aniya’y malaking tulong sa pagbabakuna sa health workers, senior citizens, persons with comorbidities, at indigent population.
Sa ngayon ay umabot na sa kabuuang 123.5 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas. —sa panulat ni Hya Ludivico