Dumating na sa bansa ang karagdagang mahigit 300K Pfizer vaccine.
362, 700 ang eksaktong bilang ng bakunang Pfizer ang dumating sa NAIA terminal 3 kagabi bandang alas-9 ng gabi lulan ng air Hong Kong flight LT456.
Ito’y sinalubong ng mga opisyal ng DOH at IATF para sa maikling seremonya sa paliparan partikular sa Bay 116 ng NAIA terminal 3.
Samantala, ayon sa National Task Force against COVID-19, dinala na sa Pharmaserv express sa Marikina City ang mga naturang bakuna.