Nasa 30,000 katao ang inaasahang daragsa sa Intramuros, Maynila upang manood ng inagurasyon ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Ayon kay PNP Spokesman, Col. Jean Fajardo, binuksan ng organizers ang Intramuros Golf Course bilang area para sa mga civilian attendee na nais sumaksi sa makasaysayang aktibidad.
Dahil dito, pinayuhan ni Fajardo ang mga manonood na iwasang magdala ng mga backpack, non-transparent water containers, matutulis at matatalas na bagay, alak, sigarilyo, paputok at drones.
Kung hindi naman anya maiiwasang magdala ng anumang bag, magdala na laman ng transparent backpacks.