Nagsimula nang magtrabaho ang mahigit 34,000 contact tracers.
Kasunod na rin ito, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), nang pagde-deploy sa mga naturang contact tracers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Una nang ipinabatid ni DILG Secretary Eduardo Año na nasa mahigit 64,000 ang natanggap nilang application para maging contact tracer kung saan nasa 41,000 ang nagqualify at 34,000 ang nagsimula nang magtrabaho.
Binigyang diin ni Año na target nilang makumpleto ngayong buwan ang kinakailangang bilang ng contact tracers sa buong bansa.
Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One act (Bayanihan 2), P5-bilyon ang inilaang pondo para ipansuweldo sa mga kukuning contact tracers.