Aabot sa mahigit 34K paaralan ang nominado para sa Face-to-Face classes.
Ayon sa Department of Education (DepEd), sa 34, 238 na eskwelahan, 33,000 dito ay mula sa pampublikong paaralan habang ang natitira ay mula sa pribadong paaralan.
Sa pahayag ni Education Secretary Leonor Briones, nasa 73.28% na ang kabuuang bilang ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nominado na magsagawa ng face-to-face classes sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Briones na dapat mayroong clearance galing sa Department of Health (DOH) at consent mula mga magulang ng mga mag-aaral ang bawat paaralan na magkakasa ng face to face classes.
Umaasa ang DepEd na ganap na maipapatupad ng lahat ng paaralan sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa susunod na Academic Year pero nakadepende pa rin ito sa mga Paaralan, LGUs, estado ng kalusugan sa lugar, at sa Assessment ng DOH.