Natanggap na nang Pilipinas ang mahigit 37 milyong doses ng bakuna .
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr, nasa kabuuang 37, 275, 800 doses ng COVID-19 vaccines ang nakuha na ng bansa.
Sa pagidinig ng House Committee on Health, sinabi ni Galvez na kabilang na rito ang mga donasyon ng COVAX facility at mga binili ng pamahalaan.
Ipinabatid naman ni Galvez na nasa 21 milyong indibidwal ang naturukan ng una at pangalawang doses ng bakuna.
Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, naitala noong isang araw ang pinakamataas na naiturok na umabot sa 680,000 vaccines.
Aniya, nahigitan nito ang target na bilang ng kada araw.