Walang naarestong health and safety violator ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw nang muling pagpapairal ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR plus bubble.
Ito’y ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, aniya mula noong sumapit ang ika-12 ng Abril naitala ng mga awtoridad ang nasa 770 violators, 503 sa mga ito ang pinagsabihan lamang habang 235 sa mga ito ay pinagmulta at ang nalalabing bilang naman ay sumailalim sa community service.
Sa kabila nito, batas sa datos ng PNP Joint Task Force (JTF) COVID Shield na higit 37,000 ang inaresto dahil naman sa paglabag sa umiiral na curfew noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) noong ika-29 ng Marso hanggang ika-11 ng Abril.
Nauna rito, sinabi na ng tagapagsalita ng PNP na si Brigadier General Ildibrandi Usana na sang-ayon sa kautusan ni Sinas sa pagsisimula ng unang araw ng MECQ ay hindi mang-a-aresto ang mga kapulisan.