Nakapagtala ang health department ng karagdagang kaso ng mga panibagong variant ng COVID-19.
Batay sa datos ng health department, naitala ang karagdagang 192 na mga indibidwal na dinapuan ng South African variant; 170 ang tinamaan ng UK variant.
Habang 19 na mga indibidwal naman ang nagpositibo sa P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas.
At isang namang nagpositibo sa p point 1 variant mula naman sa brazil.
Mababatid na nasa higit 1,300 na mga samples ang isinailalim ng Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa sequencing mula noong ika-28 ng Marso hanggang nitong abril a-otso.