Nakitakbo ang mahigit 3000 na indibidwal sa Color Run for Education 2023 sa Pasay City.
Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa isang paaralan sa Nueva Ecija.
Proyekto ito ng grupong JCI Manila, na naglalayong makalikom ng pera para sa pagpapagawa ng bagong gusali sa Monic Elementary School sa Nampicuan, Nueva Ecija.
Ayon sa Head Teacher ng paaralan, nakatakda ma-demolish ang kalahati ng kanilang silid-aralan dahil sa sobrang luma.
Nasa 200 estudyante ang maaapektuhan sana ng demolisyon kaya nagpapasalamat sila sa JCI Manila dahil magkakaroon na ng malilipatan ang mga mag-aaral.
PHOTO COURTESY: Mary Jane Azaña / FACEBOOK