Umaabot na sa mahigit 3,000 magsasaka sa lalawigan ng Cagayan Valley ang nakapagsumite ng kanilang indemnity claims o bayad-pinsala sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 2.
Ayon kay Office-In-Charge Louterio Sanchez Jr., nakipag-ugnayan sila sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ang hanapbuhay matapos ang bagyong Maring.
Bukod dito,sinabi ni Sanchez na maaari ring makapaghain ng indemnity claims kung mahigit 10% ang mga pananim na nasira ng kalamidad.
Samantala, pinakamarami ang mga magsasakang naghain na sa naturang lalawigan. —sa panulat ni Airiam Sancho