Umabot na sa mahigit tatlong libong kabataan ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y batay sa inilabas na datos ng DOH, nasa 3,416 na nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naturukan nang magsimula ang pilot implementation.
Isinagawang ang pilot run vaccination sa pediatric group sa walong ospital ngunit maaari pa umano itong madagdagan sa mga susunod na araw.
Bukod dito, nagpaalala naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa mga kabataan na nais magpabakuna na kailangan ng consent ng magulang o guardian bago ito mabakunahan.
Inamin naman ni Vergeire na may apat na nakaranas ng adverse reaction ngunit kanila pa itong bineberipika.
Aniya, sasagutin ng gobyerno kung makakaranas ng adverse reaction ang mga kabataan matapos mabakunahan.