Umabot sa 3,524 Certificates of Land Ownership Award (CLOAS) ang iginawad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 3,273 magsasakang nasa ilalim ng Agrarian Reform Beneficiary (ARBs) sa South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Kung saan pinaghatian ng mga magsasaka ang kabuuang 6,103 na ektarya ng lupa, 3,692 ektarya mula rito ay hinati-hati sa 2,166 electronic land titles (e-titles) at iginawad sa 1,871 ARB sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project ng ahensya.
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III mas magandang magkakahiwalay ang titulo ng mga benepisyaryo upang magkaroon sila ng malinaw at tiyak pagmamay-ari ng lupa.
Gayondin upang magkaroon aniya ng kalayaan ang mga magsasaka sa kung ano ang gusto nilang itanim sa kanilang lupain