Mahigit 3M mag-aaral na sa bansa ang nakapagrehistro para sa S. Y. 2022-2023.
Sa pagtatapos ito ng maagang pagpapatala na naganap nitong Sabado.
Batay sa huling datos ng Department of Education (DepEd), 3, 309, 923 mag-aaral sa apat na lebel ang nakapagrehistro.
Kabilang dito ang 251, 711 nasa kindergarten; 1, 182, 963 nasa grade 1; 758, 135 nasa grade 7 at 643, 199 Senior High School.
Nanguna ang Region 4-A sa may pinakamaraming nagpatala na mayroong 300, 401, sinundan nang Region 7 na may 299, 801 at Region 5 na may 264, 407.
Noong Marso 25 nagsimula ang maagang rehistrasyon para sa school year 2022-2023.