Umabot na sa 4, 009, 880 ang nai-deploy na mga COVID-19 vaccines sa mga vaccination sites.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na ipinamahagi sa 3,410 na mga vaccination sites sa Pilipinas.
Dahil dito, ani Galvez, naturukan na ng unang dose ng bakuna ang nasa 1,957,965 na mga indibidwal habang ang 451,270 na indibidwal naman ang nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna.
Kung susumahin, 2,409,235 ang mga kabuuang bilang ng mga nababakunahan sa hanay ng mga nasa priority group A1, 2, 3, at 4.
Kasunod nito, ikalawa na ang Pilipinas sa Asean countries pagdating sa usapin ng vaccination roll-out dahil umangat na ang daily average rate ng bansa sa 65,879.