Tinatayang 4.1-milyong Pilipino ang na-stranded sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng ipinatutupad na quarantine measures dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa isinagawang special survey ng Social Weather Stations (SWS) mula May 4 hanggang May 10, karamihan dito ay nasa mga lugar na sentro ng kalakalan, kabilang ang isang babae na nasawi sa Pasay City habang naghihintay ng masasakyan pauwi ng Bicol.
Mahigit 4,000 Pinoy ang isinalang sa mobile phone at computer-assisted interviews kung saan lumitaw na karamihan sa mga na-stranded ay mga kalalakihan at edad 24 pababa.
Ayon sa SWS, ang bilang ng mga na-stranded na tao ay ibinatay nila sa 2020 projected population ng 75.8 milyong working-age persons ngayong taon.