Natagpuan ng mga otoridad ang higit 40 bungo sa isang altar na hinihinalang pagmamay-ari ng mga drug traffickers sa Mexico.
Bukod dito ay kasama rin sa altar ang dose dosenang bungo at isang fetus na nasa loob ng isang garapon.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa isang drug cartel sa tepito, Mexico City at dito na nagsagawa ng raid kung saan naaresto ang 31 katao.
Makikita sa ibinahaging litrato ng tanggapan ng Attorney General ng Mexico City ang mga bungo na nakakalat sa palibot ng altar.
Mayroong ding face mask na nakasabit sa isang krus na nilagyan ng sungay.
Sa ngayon ay ikinasa na ang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng mga natagpuang bungo.