Inihayag ng Palasyo na nababahala ito na tuluyan nang mawala ang higit 40 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na magmumula sa Covax Facility kung magpapatuloy ang pag-arangkada ng iilang mala-VIP na alkalde na nagpapabakuna.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, aniya malinaw na sa kundisyon ng World Health Organization (WHO), dapat mauna sa pila ang mga healthcare workers sa bansa.
Dagdag ni Roque, ito’y para matiyak ang kaligtasan ng mga healthcare workers gayundin na maprotektahan ang healthcare system ng Pilipinas laban sa virus.
Kung kaya’t babala ni Roque, kung patuloy na mangunguna ang ilang mga pulitiko, manganganib na mawala ang sandamakmak na doses ng bakuna sa bansa.