Mahigit 40% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Batay ito sa resulta ng fourth quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan –49% din ng mga Pilipino ang naniniwalang ang pagkakatanggal kay Robredo sa ICAD ay admission o pag-amin ng Duterte administration na bigo ang kampanya kontra illegal na droga.
Sa 44% na satisfied sa performance ni Robredo –14% ang nagsabing very satisfied sila habang 30% naman ang somewhat satisfied.
Nakasaad din sa survey na 26% ang dissatisfied sa performance ni Robredo sa ICAD kaya’t nangangahulugang ang satisfaction score ni Robredo ay positive 18 na itinuturing ng SWS bilang moderate.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults.