Higit apatnapu (40) katao ang nasawi sa isinagawang airstrike ng Saudi Arabia na sumapol sa isang school bus sa Yemen.
Ayon sa International Committee of the Red Cross, patungo sana ang mga estudyante sa isang recreational trip para sa Quran memorization program.
Karamihan sa nasawi ay mga batang edad labing lima (15) pababa habang umabot naman sa halos limampu (50) ang sugatan.
Umani ng pagbatikos ang naturang pag-atake bagama’t itinuturing na lehitimong military operation ang koalisyon ang naging pagkilos.
—-