Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 426 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Delta variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula ito sa 506 na samples na nakolekta noong buwan ng March, April, September, October at November.
Sa pinakahuling Genome Sequencing, natukoy rin ang 10 kaso ng Alpha variant at 18 kaso ng Beta variant.
Sa ngayon ay umabot na sa 7,038 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa, habang ang Beta variant naman ay umakyat na sa bilang na 3,595 at Alpha variant sa 3,139. —sa panulat ni Hya Ludivico