Siniguro ng militar na hindi na magagamit pa ang 436 na armas na nakumpiska, kusang isinuko at na narekober, sa Camp Arturo Enrile, Malagutay, Zamboanga City sa pamamagitan ng pagsira o pagbiyak at pagsunog sa mga armas kahapon.
Personal namang sinaksihan ni Western Mindanao Command, Acting Commander Brigadier General Arturo Rojas at iba pang mga opisyal ng militar, PNP at lokal na pamahalaan ang naturang pagwasak.
Pagtitiyak ni Rojas na mas paiigtingin ng militar ang kampanya kontra ilegal na armas sa tulong ng mga local government units para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)