Mahigit 400 aplikasyon ng mga bus para sa special permit ang pino-proseso na sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Kaugnay ito sa paggunita ng undas kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong ba biyahe patungong probinsya.
Sinabi ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada na 1,000 bus units ang kabilang sa nag-a-aplay ng special permits.
Karamihan aniya dito o dalawandaan at anim napu (260) ay patungong North Luzon.
Ang ilalabas na special permit ng LTFRB ay epektibo simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.
Modernization program sa PUV’s tuloy
Bibigyan pa ng tatlong taong transition period ng LTFRB ang mga jeepney operator.
Ipinabatid ito ng LTFRB kasunod nang paninindigang tuloy ang ipatutupad na modernization program sa mga public utility jeepney o PUV’s.
Sinabi ng LTFRB na sa loob ng nasabing transition period, may pagkakataon ang mga operator na makapag-renew ng prangkisa ngunit provisional authority lamang.
Matatandaang noong isang lingo ay nagkaroon ng dalawang araw na tigil – pasada ang grupong PISTON para kontrahin ang naturang modernisasyon.
Ito naman ang nagging dahilan para kanselahin ang pasok sa trabaho’t mga paaralan sa Metro Manila.