Dumating na ang mahigit 400K doses ng bakuna na donasyon ng United Kingdom sa Pilipnas.
Dumating sa NAIA dakong alas-4 ng hapon na may kabuuang 415, 040 doses ng Astrazeneca vaccine.
Ang naturang bakuna ay unang bahagi ng donasyon ng British government sa mga mahihirap na bansa.
Pinangunahan ni NTF against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Galvez Jr. at DFA Asec. Jaime Led at si UK Ambassador to the Philippines Daniel Pruce.
Ginawa ang bakuna ng Oxford Biomedica sa Oxford at ang packaging naman ay sa Wrexham, North Wales.