Umabot na sa kabuuan na 43,332 na mga pribado at publikong establisyimento ang naisyuhan ng Safety Seal certification sa buong mundo.
Ito ay ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, na hinimok ang mga may-ari ng negosyo na magkaroon ng safety seal bilang parte ng pagsunod sa mga hakbang kontra COVID-19.
Sa kasalukuyan, mayroong higit 85,000 aplikasyon ang Safety Seal Technical Working Group, higit 40,000 ang mga naaprubahan dito at higit 9,000 ang aplikasyon na tinanggihan o isinangguni sa angkop na ahensya.—sa panulat ni Airiam Sancho