Bagsak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng mahigit 40,000 pisong halaga ng hinihinalang shabu sa Bagong Silang St., Brgy Hagonoy, Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Fortunato Igdao at Peter James Pesigan na kapwa nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig PNP.
Nasabat sa operasyon ang 40,800 pesos na halaga ng umano’y shabu, isang purse, at dalawang daang pisong buy-bust money.
Kasong paglabag sa dangerous drugs act ang isasampa laban sa mga suspek.