Pumalo na sa 42, 189 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP.
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang dalawang bagong kaso ng virus.
66 naman ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng ahensiya.
41,998 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 matapos madagdagan ng siyam na gumaling sa sakit.
Samantala, 125 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.