Mahigit 4,500 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang.
Inamin ito ni health undersecretary Myrna Cabotaje sa pagdinig ng House Committee on Health sa 2022 budget ng ahensya, bagama’t maituturing pang mababa ang nabasurang doses ng bakuna kontra COVID-19 mula Marso hanggang nitong nakalipas na Agosto 20.
Maliban sa ilang report na nasunugan o na frozen na ang mga bakuna, binigyang-diin ni Cabotaje na nananatiling nasa maingat at maayos na pangangasiwa ang cold chain facilities para sa COVID-19 vaccines.
Pumapalo na sa mahigit 33 million doses ng bakuna ang naiturok na sa mga Pilipino.