Mahigit 4,500 na mga indibduwal ang na-istranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa sama ng panahong dala ng Tropical Depression Auring.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa kabuuang 4,545 na mga pasahero, drivers, at cargo helpers ang naantala ang mga biyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Na-istraded din, ayon sa PCG, ang nasa 78 vessels, siyam na motor bancas, at 1,878 na rolling cargoes sa bahagi ng Northern Mindanao, North Eastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas, Bicol, at Southern Tagalog regions.
Karamihan naman sa mga na-istranded ay mula sa Eastern Visayas na may 2,609 na mga pasahero, drivers at helpers, pati na ang anim na vessels at 860 rolling cargoes.
Samantala, apektado naman ng sama ng panahon ang mga ports ng Port of Liloan Ferry Terminal, Port of San Ricardo, Port of Sta. Clara, Port of Balwarteco, at Port of Dapdap.