Mahigit 4,100 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang dahil sa epekto ng bagyong Odette.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pawang nasa Regions 4-B, 6 AT 7 ang mga nasirang bakuna.
Kabilang anya sa dahilan ang kawalan ng kuryente o power outages sa mga storage facility.
May mga bakuna ring ibinalik o inililipat upang ma-assess o mabatid kung maaari pang iturok sa mga tao.
tiniyak naman ni Vergeire na nakatutok ang DOH sa sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad kabilang ang bakunahan kontra COVID-19.
Magugunitang kinansela ang vaccination activities sa ilang mga lugar na nasalanta ng bagyo. —sa panulat ni Drew Nacino