Nasa 4,100 mga nars ang ide-deploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tumugon sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, bahagi ng hamon sa pagpapalawak sa hospital capacity ay ang pag-hire at pag-deploy ng mas marami pang health workers, lalo pa’t nahaharap rin ngayon ang bansa sa mas dumadaming bilang ng kaso ng Delta variant.
Sinabi pa ni Vergeire na patuloy ang pag-hire ngayon ng gobyerno ng medical specialists, doctors, at general health practitioners bilang tugon sa mga ospital na nangangailangan.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico