Pumapalo na sa mahigit 5.5-M doses ng Pfizer-Bio N Tech vaccine ang naibigay na ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access Facility ngayong linggo.
Ang mga nasabing supply ng Pfizer vaccines ay dumating sa bansa sa limang magkakahiwalay na shipment sa Maynila, Cebu at Davao mula Oktubre 1 hanggang 6.
Ang supply ng Pfizer vaccines sa Pilipinas ay bahagi ng 500-M doses na inilaan ng Amerika para sa patas na distribusyon sa pamamagitan ng Covax facility.