Mahigit limang milyon na ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll para sa school year 2021-2022.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education o Deped, nasa 5,000, 177 mga estudyante ang nakapag-enroll sa mga pampubliko at pribadong paaralan, at State Universities and Colleges.
Ang Region IV-A ang may pinakamraming bilang ng enrollees na may 603, 484, sinundan naman ng Region VII na may 416, 107 at region VI na may 412, 275 enrollees.
Nakapagtala naman ang NCR ng 375, 374 enrollees, itinakda ang pagbubukas ng klase sa Setyembre 13, 2021.—sa panulat ni Hya Ludivico