Limampu’t tatlo ang mga napinsalang mga bahay sa Regions 10 at 11 kung saan tatlo rito ang totally damaged at limampu naman ang partially damaged.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas na nagbaba na rin sila ng alerto sa NDRRMC Main Headquarters gayundin ang iba pa nilang regional offices, subalit nananatili aniya sa red alert status ang Regional Office 8, 10, 12 at CARAGA.
Nasa higit 20,000 naman ang mga indibidwal na inilikas sa mga evacuation centers sa Regions 7, 8, 19 at CARAGA.
Gayunman, kapag gumanda na aniya ang lagay ng panahon ay maaaring payagang magsibalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga ito.
Base sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, sinabi ni Posadas na wala silang nakikitang panibagong sama ng lagay ng panahon hanggang December 23 o bago mag-Pasko. - sa panulat ni Jeraline Doinog