Naaktuhang naglalaro sa dagat sa Bacoor, Cavite ang mahigit 50 kabataan at kanilang mga magulang nitong Easter weekend.
Kasunod na rin ito nang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Bacoor City Agriculture Office-Deputy Fish Watden at Philippine Coastguard Bacoor.
Pinauwi rin naman ng mga otoridad ang 44 na menor de edad at 10 nasa tamang edad na nahuli sa iba’t ibang bahagi ng Bacoor Bay mula Biyernes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon kay Joshua Villaluz, agricultural technologist fishery law enforcement ng Department of Agriculture, balak sana nilang magpaalala lamang sa mga residenteng huwag maligo sa baybayin dahil sa lockdown subalit napansin nila ang pagdagsa ng mga tao lalo na ang kabataan sa paliguan at marami ang hindi naka face mask.