Mahigit 50 kongresista sa mindanao ang lumagda ng manifesto na tumututol sa panukalang ihiwalay ang nabanggit na pulo sa Pilipinas.
Nasa 53 sa 60 mambabatas mula sa Mindanao at iba pa ang pumirma rito na may titulong ‘Unified Manifesto of Mindanao Congressmen for National Integrity and Development.’
Ayon kay Lanao del Norte representative Mohamad Khalid Dimaporo, pagsuporta rin ito sa pambansang integridad, pag-unlad ng bansa at pakikiisa kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Nanawagan din si Congressman Dimaporo sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na manindigan laban sa paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.- sa panunulat ni Charles Laureta – sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).